Up Recollections Tula ni Celso Recuerdos de Celia Coming Attractions High School Treasures Kapwa Ko Mahal Ko

Tula ni Celso

Kumusta na ...

Hanggang sa muli ...

 

Saglit mong ipikit iyong mga mata

Isiping mabigat iwaglit mo muna

Bukas na parating tiyak ay masaya

sa piling ng kaibigan ... dating kakilala

 

Ala-ala mo pa noong kayo'y bata

Ang kaligayahan hangganan ay wala

Sa t'wing may "tipar" parang kinikilig

Lalo na't kapiling kunwa'y iniibig ...

 

Heto na..ayan na ... re-union here we come!!!

Humanda na kayo ... ngayo'y masasalang

Mga kwentong ipon ngayo'y bibigkasin

sa harap ng malamig ... mabulang inumin..

 

Kay tagal hinintay ngunit saglit lamang

Isang gabi'y kulang bakit di dagdagan

Kay hirap kumalas pero kailangan

Sa ibang araw uli kayo babalikan...

 

Kamusta na ... Hanggang sa muli ...

Inyong pagbabalik hihintayin lagi

Mga ala-ala hahanap-hanapin

kahit sa pangarap kayo'y hihintayin ...

Incidentally a big Congratulations to super duper talented Celso Mendoza for passing Canada's Professional Civil/Structural Engineering Board Exams!  Sabi ninyo rin siguro hindi kataka-taka matinik talaga si Oslec!  More power to you and the best for you and your family.  Celso's own words: 

"I would like to let you know and share the good news.  Nakuha ko na yong pinakamimithi ng lahat ng Engineer dito sa British Columbia. Registered Professional Engineer na ako dito. Hindi ba mayabang ang dating? Konti lang.  Medyo masaya lang kami dito kasi malaki ang hirap. Gusto sanang maging inspirasyon ito sa mga katulad nating Pinoy na gustong maging P. Eng. sa USA or Canada. Salamat don sa ITAAS.  Thanks."

Ang blow-out daw ay sa susunod na reunion natin.  Again, Congratulations to Celso for his impressive professional achievement!

©DangerDude Productions 2002; also 1998, 1999, 2000, 2001 ®