(Anonymous to protect the guilty!)
Love
Istoring Nakakatawa Pero Hindi Naman
|
Ganire ang nangyari, mga padres and madres. Bagong salta sa QPHS ang inyong abang
lingkod, isang buwan pa lang yata. May lumapit na isang dilag. "Hmmm, hindi
masama," ang sumaisip ko, habang tinitigan
ang dilag mula ulo hanggang paa, "May itsura." Nagsalita ang
ale -- maaari raw ba akong maging kapartner niya sa Cotillion? Puntong
Bulacan. OK, sabi ko, habang ang puso ay tumibok.
Dumating ang araw ng practice sa Cotillion sa gym. Sumipot siyempre si
ako. Nandoon din ang dilag. Ngunit ano ba ito at ayaw yatang magsayaw.
Pinagbawalan daw siyang magsayaw ng tatay niya. OK, sabi ko, sa sarili
ko, magmukhang tanga na lang tayo dito. Ganon nga ang nangyari. Pero
hindi bale, may itsura naman si dilag. Tuloy ang love story.
Makalipas ang ilang araw, nagkalakas loob tanungin ang dilag kung
maaaring maihatid ko siya sa pag-uwi niya. Oo raw, pero hindi siya
sumasakay sa jeep pag-uwi. Kaya naglakad kami. Lakad. Lakad. Lakad.
Papunta sa direksion ng Capitolyo. Ano ba ito at napakalayo yata ng
bahay ni dilag? Pagod na ako. At nang dumating kami sa tapat ng
Capitolyo, bigla na lamang binuksan ni dilag ang isang pagkalaki-laking
gate at ako'y napatanong, "Saan tayo pupunta?" "Dito ako
nakatira, tatay ko ang ministro," ang sabi ni dilag. Bagsak ang
aking panga. Papatayin ako ng tatlo kong tiya na madre at ng dalawa kong tiyohin na
pari kapag nalaman nila kung sino ang ka-date ko, ang pumasok sa aking
isip. Wala namang masama kung magkaibang relihiyon ang isang couple, di
ba? Ngunit sa ganoong edad walang choice, di ba? At doon natapos ang
love story.
|
Accident But Funny
|
It was one summer when our class held a picnic at Talao-Talao
Beach. The sun was really hot so most of us chose to stay at the hut
to eat, drink and share stories. Then out of nowhere we heard
somebody yelling "help !" At first we thought that
he was an American. It turned out that it was Danny Garcia.
"Holy Molly" he was drowning. We were all panicked
striken except for Ross Tolentino and James Penamora who immediately
saved Danny Boy. Soon he was alright. We asked him why he shouted
"help" instead of "saklolo". Danny smiled
and said, " mas mahaba kasi yong saklolo, eh". Sure
he was right. Kung saklolo eh di sak.. pa lang lunod na sya, di ba? |
|
Heto pa rin ang iba
Here's one which may be nakakatawa - during our JS
Prom. 4th year 'ata tayo noon, ang partner ko ay ang iti-nu-tukso
n'yo sa akin. If I remember it right ... so, by tradition, (hindi ko
na matandaan kug ano ang tawag doon pero something like) during the
opening dance (not necessarily the ceremonial dance of the Cotillon)
ang first dance ko s'yempre e 'di sa partner ko; it was a waltz with
"Blue Danube" pa. Hindi ko alam kung na-notice ng crowd,
baligtad pala ang posisyon ng paghawak-kamay namin, at sa nerbiyos
naming pareho ang nagka-ka-tapakan kami ng PAA!!! He! He! He! 'Buti
na lang pareho kaming hindi mahilig sumayaw kaya after ilang ikot e
tumigil na kami! |
|
Again related to JS Prom. Rehearsal time for Cotillion. Remember
the Alumni Building. In front of it is a square where we used to do
the practices. It was late afternoon. Makulimlim kaya ok lang mag-practice
walang init ng araw. 'Di ba sa Cotillion, pa-ikot-ikot ang
pagpapalit ng partner habang nagwa-waltz. All of a sudden,
nakaramdam tayo ng tremor ... may lindol, saglit lang pero ramdam mo
ang pag-shake ng ground. Ang swerte(?) ko noon ay the fact na ang
napa-tapat sa akin for that particular step ay ang "crush"
ko noong tayo'y 4th year. Siyempre sa takot ko, nalimutan kong
holding hands pa rin pala kami for a long time!!! Buti na lang Cotillion
ito hindi "sweet" ano? Heh! Heh! Sino siya? Hindi ito taga-section
xxx. Pero cute, at iba ang kanyang "it". Hindi scholarly,
but just the same - pogi (to use the term that time) at gentleman po!
Alam kong mya "crush" din ito sa akin dahil kahit pa man
noong elementary days namin eh na-bisto ko na ito eh. Inis ako sa
kanya noong elementary days...pero noong nag-high school, dahil
nagkahiwa-hiwalay na kami into different sections though
nagkaka--kitaan pa rin naman ... mukhang na-develop ang crush ko sa
kanya - pero...katuwaan lang! From far alam kong naroon pa rin ...
pero alam mo naman noon - ang layo ng section niya from section xxx
- may distance. In fact, hindi ko nabalitaang nagka-girl friend ito
noong high school. kasi boyeto eh, at tipong parang kapatid na lahat!
After high school, I was surprised to see him once in a while
passing by our house on a bicycle, pa-sulyap-sulyap at kung minsan
nagkaka-lakas-loob tumigil at bumati. cute pa rin pero, duwag yatang
mag-tapat eh! Kaya na-unahan ng iba! Heh! Heh! |
|
Crush ko non? Sino? Si
Lxxx. Do you remember him, the tall guy na
namumula ang kutis, barkada nina Exxx sa Vocational Class. Actually
he courted me nong high school kaya lang mas type ko si R. 'non (ewan
ko ba ha...ha...ha....). |
|
My other experiences/incidents: Tinataguan namin (of course, buong
class 'yon) si Mrs. Luce (Chemistry) if she does not come on time.
Lagi kasing buntis! |
|
When Olive encouraged me to join the selection of
Miss Sophomore
and I didn't notice na punit pala ang sleeve ng blouse ko, siguro sa
kakahila niya sa akin. |
|
During the convocation (3rd or 4th year?) we presented a play and
I portrayed the role of a sweepstakes vendor at kung bakit ba naman
nagka-sore eyes ako before the play timely rin naman and I wore
sunglasses as if blind ako. |
|
May ugali ako noon and I don't know how to categorize it ...
bahala ka na ... Espie and Tessie were my best friends then. Kapag
minsan si Espie nakakasama nina Dada, Ofel and Marie, umiiyak ako
noon. Of course all of you guys will always be in my heart. |
|
Alam ninyo namang napakaregimented ng buhay ko noon kaya kung may
escapades man ako ay siguro kasama si Bebot at hanggang Antigua lang
o Lucky Bookstore. Ang nakakahiya siguro ay yung nahulog ako sa
hagdan ng Main Building pero nakabloomers naman ako kaya walang
censored na naexpose. Wala naman akong crush noon pero niloloko nila
ako ay Rxxx pero hindi ko naman type, friend lang siguro. |
|
Oh, those days. Oo, hibang na hibang ako noon kay Mxxx Fxxx kaya
wala akong naging crush na mga bata sa Quezon High. Sulat ako nang
sulat ng love poems sa mga klase na kinatatakutan ko like Math,
Geometry, Trigo and Science. What did I do? All those subjects are
important foundation of basic education. |
|
I remember being given the charge to open a convocation when we
were in the 3rd year. It's a Girls Scouts gathering for Junior Girls
Scouts - Freshmen and Sophies. I should lead the opening prayer.
Simple lang naman - ang problema na mental block-out yata ako dahil
when I was praying with the Hail Mary (in English), na-stuck ako sa
parteng Holy Mary pray for us ... hindi ako makaalis doon! Could you
imagine me to do that? How did I know that I did? This
"blunder" may isang first year na taga-Hollywood na
nag-feedback sa akin asking me if I were nervous that time!!! Heh!
Heh! |
| After school, si Perla, Mely at ako we usually hang out at Perla's
Tita Arit's house. We were in their backyard and we loved to climb
up in this shack below a big and old star apple (caimito) tree. The
shack is pretty old made of old and used yero and we enjoy sharing
some girls' stuff there like bungisngisan, nibbling snacks, etc.
Below that shack is somewhat tambakan ng kung ano-ano na. Pagkatapos
naming mamuti ng star apple at habang napakasarap ng kuwentuhan
namin on top of that shack nang biglang may malakas na ugong or
crash na bumagsak. It happened so fast and it took us a split second
to realize na kaming tatlo ay bumagsak. Hindi agad kami
makatayo. All I could think was: "nasan na yong star apple
ko?" Parang maiiyak kaming pare-pareho na natatawa na nahihiya dahil sa
"topic ng kuwentuhan" namin. Mula noon tuwing maaalala
namin ang pangyayaring ito ay hagalpakan na lang kami ng tawa. |
| Noong Seniors Day ay nagsayaw kaming tatlo nila Dada, Perla at ako
ng aming dance rendition of "A Horse with No Name."
Although we didn't have enough time to practice (excuses), we still
have to represent section 2 for some reasons (talent show yata at
gustong gusto ko ring sumayaw talaga). But we still went ahead with
our dance program performed in the middle of that basketball court
(not sure) in front of that big grandstand with all those 4th year
students. Si Perla ang nasa gitna dahil siya ang
leader/choreographer. Habang kami ay nagsasayaw ay panay ang tanong
namin kay Perla kung ano ang kasunod? Sa bawat change of step ay
tinatanong namin si Perla at si Perla naman ay ganito ang sagot:
"teka iisipin ko pa." Pero tuloy ang sayaw namin.
Sayaw dito at sayaw doon. Natapos rin ang aming performance na puro turuan on the spot.
Nagkaigi rin kami at nakahinga na kami ng maluwag. Up to this time
the tunes of "A Horse with no Name" still rings a bell. I
guess what is important is we had fun. |
| During Senior Day ay kuntodo porma kami ni
Perla. It was in the
70s so ala hippie ang style namin ika nga at siyempre gusto namin na
meron kaming souvenir picture. Groovy-ing groovy talaga kami. "Meron
pa kaming headband sa aming noo at kami ay naka-chaleco." Pabalik
na kami sa QPHS Senior's Day celebration at dumadaan kami sa secret
passage (sa bakod) mula sa bahay ng Tita Arit ni Perla. Merong
photographer na dumaan at merong dalang kamera at kami ay tinanong
kung gusto daw naming magpalitrato. Tuwang tuwa kami ni Perla at
pose agad kami. Kailangang daw ng piso per person as deposit. Binigyan namin ng
deposit na 2 piso. No more questions asked ika na. Hindi
na namin tinanong kung kailan puwedeng
makuha at makita ang larawan at kung sino siya. Excited kami pareho
at nag-dance performance pa kasi on that Seniors Day. Dumaan ang maraming araw walang pang
photong dumadating. Dumaan
ang isa at maraming buwan wala pa ring litratong naka hippie style
kami. Dumaan ang maraming taon talagang wala. After 27 years ay
hindi namin nakita ang photographer or kahit na anong larawan namin.
Nadenggoy pala kami ... |
|